Ang Buhay ng Barker
Ang mga taong nagtatawag ng pasahero sa jeep, ang namamaos kakasigaw maipaalam lang sa mga tao kung saan sasakay tungo sa kanilang mga destinasyon. Nakakapagod maging isang dispatser o barker. Parang isang mang-aawit, boses ang puhunan. Isa itong marangal na trabaho, sa katunayan nga makikita mo sa trabahong ito ang espesyal na katangian ng mga Pilipino, ang bayanihan. Bakit? Hindi mo ba napapansin, nariyan ang barker magtatawag ng pasahero ng sa gayon ay mapuno ng pasahero ang jeep, kapalit nun ay bibigyan sila ng drayber ng barya bilang bayad sa pagtatawag niya. Hindi ba’t parehas nilang natulungan ang isa’t isa. Kahit maliit lamang ang naiabot na pera ng drayber malaking tulong na rin ito para sa barker, hindi naman matatapos ang araw na isang jeep lamang ang kanyang mapupunuan. Ikaw? Naranasan mo na bang maging isang barker? Nakakatawang isipin ngunit ako ay naranasan ko na, dahil sa aming guro sa Filipino. Maluwag naman naming tinanggap ang kanyang hamon dahil ka...