Panaginip2: Si Lolo

                Hindi ko matanggap. Bakit kailangang ngayon pa. Wala na si lolo. Tuluyan niya na kaming iniwan. Sino na ang magiging kakampi ko? Sino na ang kasama kong pumunta sa ilog? Sino na maghahanda sa baon ko na ibinabalot pa sa dahon ng saging. Wala na. wala na akong kasama.
                Buong gabi akong umiiyak. Walang tigil. Pulang pula na aking mga mata sa kakaiyak dahil sa pag kawala ni lolo. Bakit ngayon pa? parang hindi ko kaya na wala si lolo.
                Oo, sobrang malapit ako kay lolo. Siya ang nagpalaki sa akin. Paano na ako nagyon? Hindi ko na talaga alam. Umiyak na lamang ako ng umiyak magdamag.
                “Jade! Jade! Jade!”
                Nagising ako sa tawag ni nanay. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari.
                “Patay na po si Lolo..” maiyak iyak kong sabi. “Patay na si lolo. Paano na po ako?”

                Natawa si nanay, “ano ka ba?, sampung taon ng patay ang lolo mo. Hayan at nasa kolehiyo ka na tapos itatanong mo kung paano ka dahil patay na ang lolo mo? Nananaginip ka na naman. Matulog ka na ulit.”

Comments

Popular posts from this blog

Ang Buhay ng Barker

Kayamanan

Muling Pag-Uwi