Ang Buhay ng Barker




Ang mga taong nagtatawag ng pasahero sa jeep, ang namamaos kakasigaw maipaalam lang sa mga tao kung saan sasakay tungo sa kanilang mga destinasyon. Nakakapagod maging isang dispatser o barker. Parang isang mang-aawit, boses ang puhunan. Isa itong marangal na trabaho, sa katunayan nga makikita mo sa trabahong ito ang espesyal na katangian ng mga Pilipino, ang bayanihan. Bakit? Hindi mo ba napapansin, nariyan ang barker magtatawag ng pasahero ng sa gayon ay mapuno ng pasahero ang jeep, kapalit nun ay bibigyan sila ng drayber ng barya bilang bayad sa pagtatawag niya. Hindi ba’t parehas nilang natulungan ang isa’t isa. Kahit maliit lamang ang naiabot na pera ng drayber malaking tulong na rin ito para sa barker, hindi naman matatapos ang araw na isang jeep lamang ang kanyang mapupunuan.

Ikaw? Naranasan mo na bang maging isang barker? Nakakatawang isipin ngunit ako ay naranasan ko na, dahil sa aming guro sa Filipino. Maluwag naman naming tinanggap ang kanyang hamon dahil kahit kaunti ay nais rin naming maranasan at maramdaman ang nasa posisyon ng mga taong minsan ay napapasawalang bahala natin, tulad ng barker.

“Tagaytay!!“
“Olivarez!!”
“Tatlo na lang! aalis na!”

Nakakahiya ngunit nagawa ko. Masaya, dahil kahit papaano ay naramdaman ko ang pakiramdam ng isang barker, na hindi natin dapat sila minamaliit. Kahangahanga ang isang barker dahil hindi siya nahihiya sa mga tao. Ano nga naman ang kanilang ikakahiya gayong marangal naman ang kanilang trabaho.

Comments

Popular posts from this blog

Kayamanan

Muling Pag-Uwi