Posts

Showing posts from 2014

Kayamanan

KALUSUGAN, ISANG KAYAMANAN! Ano nga ba ang ibig-sabihin o kahulugan ng kalusugan? Nakagisnan na natin ang kapag sinabing “Kalusugan” o health ay nangangahulugan ng pagkawala ng sakit o anumang karamdaman. Ang taong nasa mabuting kalusugan ay isang taong walang sakit ngunit, hindi ito ang buong kahulugan ng kalusugan! Tulad narin ng wika ng WHO o World Health Organization, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman. Ang kalusugan ay may tatlong aspeto. Una, kalusugang pang kaisipan. Ito ang ating abilidad na makapagsaya sa ating buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mabuting kalusugang pangkaisipan ay nagpapahintulot sa iyong maging kapakipakinabang, ang magkaroon ng katuparan sa mga relasyon sa ibang tao, at ang umangkop sa mga pagbabago at malampasan ang mga panahon ng kahirapan. Ikalawa, an gating kalusugang pisi...
Dear Shooting Star,          I wanna know how I can use you now.

Ang Buhay ng Barker

Ang mga taong nagtatawag ng pasahero sa jeep, ang namamaos kakasigaw maipaalam lang sa mga tao kung saan sasakay tungo sa kanilang mga destinasyon. Nakakapagod maging isang dispatser o barker. Parang isang mang-aawit, boses ang puhunan. Isa itong marangal na trabaho, sa katunayan nga makikita mo sa trabahong ito ang espesyal na katangian ng mga Pilipino, ang bayanihan. Bakit? Hindi mo ba napapansin, nariyan ang barker magtatawag ng pasahero ng sa gayon ay mapuno ng pasahero ang jeep, kapalit nun ay bibigyan sila ng drayber ng barya bilang bayad sa pagtatawag niya. Hindi ba’t parehas nilang natulungan ang isa’t isa. Kahit maliit lamang ang naiabot na pera ng drayber malaking tulong na rin ito para sa barker, hindi naman matatapos ang araw na isang jeep lamang ang kanyang mapupunuan. Ikaw? Naranasan mo na bang maging isang barker?  Nakakatawang isipin ngunit ako ay naranasan ko na, dahil sa aming guro sa Filipino. Maluwag naman naming tinanggap ang kanyang hamon dahil ka...

Panaginip2: Si Lolo

                Hindi ko matanggap. Bakit kailangang ngayon pa. Wala na si lolo. Tuluyan niya na kaming iniwan. Sino na ang magiging kakampi ko? Sino na ang kasama kong pumunta sa ilog? Sino na maghahanda sa baon ko na ibinabalot pa sa dahon ng saging. Wala na. wala na akong kasama.                 Buong gabi akong umiiyak. Walang tigil. Pulang pula na aking mga mata sa kakaiyak dahil sa pag kawala ni lolo. Bakit ngayon pa? parang hindi ko kaya na wala si lolo.                 Oo, sobrang malapit ako kay lolo. Siya ang nagpalaki sa akin. Paano na ako nagyon? Hindi ko na talaga alam. Umiyak na lamang ako ng umiyak magdamag.                 “Jade! Jade! Jade!”          ...

Panaginip1: Nakauwi na Ako

                Nagising ako. Basa na ang likod ko sa sobrang pawis. Agad akong bumangon upang buksan ang bentilador. Pero.. nasaan ako? Anong lugar ito? Maingay ang paligid na parang nagkakagulo sa labas. Tumakbo ako palabas ng kwarto. Nakita ko ang aking lola at tiyahin na parang takot na takot. Hindi ko na sila tinanong. Agad ko na lang binuksan ang pinto at sa maniwala ako o hindi, sira-sira ang ibang mga bahay. Teka.. wala ako sa Pilipinas.. nasa Japan yata ako. Natutuwa ako. Pangarap ko ang makarating sa bansang ito. Pero, bakit parang may gyera? Anong nangyayari?                 “Jade! Pumasok ka na! Delikado! Baka Makita ka niya diyan.” Hindi ako natinag. Nakatayo pa din ako sa may pinto. May nakita ako. Nakita ko si Kenshin Himura! Lalong lumakas ang tawag ni lola sa akin. Agad na rin akong pumasok dahil nakita ko si Kenshin. May buntot siya at hinahabol ni...

Muling Pag-Uwi

Image
            "Going.. and gone..", sabi na aming propesor. Nangangahulugan na uwian na. Palabas na kami ng klasrum. Halos huli akong nakalabas dahil inayos ko pa ang gamit ko. Pag-labas ng silid-aralan nakita ko ang mga kaklase ko na abala sa pag-uusap, animo'y matagal hindi nagkita-kita. Makikita mo rin si Fritzie na hinahanda ang kanyang   cellphone   para makuhaan ng   video   ang kanyang madadaanan. Nakalabas na ako ng pinto, agad kong hinanap sina Noemi.              "Jade!"           Ayun pala! lumapit ako sa kanila at naglakad na kami. Mahaba-haba ang lalakarin namin dahil nasa ikaapat na palapag kami ng  College of Nursing . Ikaapat na palapag? Naalala ko tuloy ang sabi-sabi na may mga ligaw na kaluluwa raw dito. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Pakiramdam ko kasi totoo nga iyon.           5:30 ng hapon, naglalakad na kami pa...
Romans 8 : 38-39 For I am persuaded that neither death, nor life, nor angels, nor principalities, nor powers, nor things present, nor things to come, nor height, nor depth, nor any other creature shall be able to separate us from the love of God, which is in Christ Jesus our Lord.